“Ang Lupit Mo”

Bakit ganun? Ano ang nangyari?
Damdamin mo’y biglang nag-iba.
Sabihin mo naman sa akin,
Kung talagang ayaw mo na.

Sana’y sinabi mo na lang,
Na ikaw sa akin ay pagod na,
Hindi ‘yong bigla ko na lamang, Malalaman na may iba ka na pala.

Ang lupit mo, ano ba ang dahilan?
Para ako ay biglaan mong palitan.
Diba ginawa ko naman ang lahat,
Para ako ay hindi mo iwanan.

Sige na sabihin mo naman,
Saan ba talaga ako nagkulang.
Kasi ginawa ko naman ang lahat,
Para lumigaya ka lamang.

Aminin mo naman sa akin,
May pag-ibig ka pa ba para sa akin?
Kasi ako hanggang ngayon,
Pag-ibig mo parin aking hanap-hanap.

Dama ko parin ang higpit
ng iyong bawat yakap.
Dama ko parin ang init ng bawat lapat
ng mga labi mo sa mga labi ko.

Pero ang sakit-sakit lang,
Ang haba ng ating pinagsamahan.
Pero bakit parang ang lahat,
Para sa’yo ay isang panaginip lamang.

Napakadaya mo naman
Turing mo yata saki’y parang saranggola.
Na kung sumabit sa puno
Ay saka mo maisipang iwanan.

Alam mo namang inunawa kita,
Pinaniwalaan ko ang mga sinabi mo.
Gusto mo ng katahimikan,
Upang ayusin ang sarili mo.

Diba sinabi mo pa nga,
Kailangan muna nating magpahinga.
Baka sakaling sa bagay na yon,
Mahanap ang sarili at maging masaya.

Tingnan mo nga naman
Ikaw ay talagang kakaiba.
Sa kakahanap mo sa sarili mo
Ibang tao yung nahanap mo.

Pero bakit ganun,
Kay saklap ng pagkakataon.
Ikaw lang yata ang naging masaya.
Pero ako hindi eh, hindi ako naging masaya.

Talaga namang napakasakit
Tadhana ay napakalupit.
Habang mata ko’y lumuluha
Ika’y nagpapakasaya na sa iba.

Kaya alam kong malabo na yata
Na ikaw ay mabawi ko pa.
Kasi alam ko naman na
Maligaya kana sa piling ng iba.

Ang galing ko diba,
Tunay na kahanga-hanga.
Nakangiti parin ako,
Kahit lumuluha na aking mga mata.

Kaya kahit masakit man sakin,
Mas pinili kong ika’y palayain.
At tatanggapin ko na lamang,
Ako’y parte na lamang ng iyong nakaraan.

Published by darklee143

Aside from being chubby and cuddly. My sweet and caring boss said, "I am caring, mindful, emotional, and considerate. I am happy 'coz who would have thought that these words would definitely describe the kind of person, I am.

Join the Conversation

2 Comments

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started