Aking Sigaw

Nakaupo ako sa balkonahe,
Umihip ang hangin sa buhok ko.
Ang mga itik ay naglalaro sa lawa,
Pero parang wala lang akong pakialam.

Patuloy ang buhay sa paligid ko.
Hindi ako sumasali.
Ginagawa ko ang lahat ng mga galaw,
Pero ang maghintay ang aking tanging nagawa.

Nanaginip ako isang araw
Na ika’y nagbalik at umuwi sa amin.
Walang ibang mahalaga,
Kundi ang iyong pagbalik.
Pero bakit hindi iyon ang nakikita ng iba?

Ayokong lumabas.
Ayokong magsaya.
Wala akong gustong gawin
Kundi ang tumungangang mag-isa.

Kinuha ka nila matagal na panahon na.
Ngayon ay mahigit dalawang dekada na.
Lumipas na ang taglamig,
Bagong taon na naman ang haharapin.

Hindi mo alam kung gaano ako umiiyak.
Hindi ko na ipinaalam sa kahit kanino.
Napakahirap dito kapag wala ka,
Pero bawal kong ipakita kahit ako’y kainisan man ng iba.

Hirap akong pagmasdan ang mga ngiti nila.
Larawan ng isang buo at matatag na pamilya.
Di ko alam kung ilang beses inggit ko’y pilit kumawala,
Sa bawat pagtatangi na sana’y meron akong nung sa kanila.

Walang nakakaalam na ito ay walang laman,
ang ngiti na suot ko sa bawat araw na nagdaan.
Ang tunay ay naiwan sa nakaraan,
sa lugar kung saan ka umalis at namaalam.

Kailangan kong magpanggap na maayos lang ako.
Iniisip nga nila na okay ang lahat at kaya ko.
Pero kahit kailan hindi ko sinasabi sa kanila
Yun bang bawat araw na nagdaan, Araw-araw kitang iniiyakan, aking Ama.

Published by darklee143

Aside from being chubby and cuddly. My sweet and caring boss said, "I am caring, mindful, emotional, and considerate. I am happy 'coz who would have thought that these words would definitely describe the kind of person, I am.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started